Para mas maunawaan ang diskarte sa paggamit ng advertising materials o referral links, binibigyan namin ang Partners ng oportunidad para makita ang detalyadong statistics para sa espesipikong banner o link. Ang masusing pagsusuri sa mga indicator na ito ay nagbibigay-daan sa iyong pagbutihin ang diskarte mo bilang IB Partner para makapag-generate ng mas maraming kita.
Ano ang mga indicator na ito?
Mga Click — bilang ng mga click na ginawa sa espesipikong banner ad/referral link sa piniling panahon;
Mga natatanging user — bilang ng mga bagong kliyenteng nag-register sa pamamagitan ng banner ad/referral link sa piniling panahon;
Mga Account — kabuuang bilang ng mga account na na-open sa pamamagitan ng banner ad/referral link sa piniling panahon;
Conv. A/C — conversion rate ng invoices sa clicks. Isinasaad nito ang bilang ng demo o real accounts na na-open ng mga kliyente sa pamamagitan ng banner ad/referral link na idi-divide sa bilang ng clicks sa piniling panahon. Sa madaling salita, kung ilang kliyente na nag-click sa link mo ang nag-register ng account;
Conv. D/A — conversion rate ng deposits sa accounts. Isinasaad nito ang bilang ng deposits na ginawa na idi-divide sa bilang ng na-open na accounts sa piniling panahon;
Deposits — kabuuang halaga ng na-deposit na funds na ginawa sa pamamagitan ng espesipikong banner ad/referral link sa piniling panahon;
Komisyon — kabuuang halaga ng Partner’s commission na matatanggap mo para sa mga kliyenteng nag-register sa pamamagitan ng espesipikong banner ad/referral link sa piniling panahon.