Mahalagang impormasyon! Pakitandaan na alinsunod sa Kasunduan sa Customer: puwedeng mag-withdraw ang kliyente ng funds mula sa kanyang account sa mga payment system lang na ginamit para sa deposit.
Sa mga rehiyon kung saan available ang Mga Local Bank, ang mga natitira (kabilang ang profits, bonus funds, awards, partner commission, atbp.) ay dapat i-withdraw sa Mga Local Bank. Kung hindi available ang Mga Local Bank sa Personal na Espasyo, ang profit ay puwedeng i-withdraw sa pamamagitan ng anumang e-wallet o exchanger.
Bilang karagdagan, kung gagamit ang Kliyente ng digital/virtual currency sa mga financial operation, sumasang-ayon ang Kliyente na gagamit siya ng isang partikular na wallet lang sa bawat digital currency habang wini-withdraw ang funds.
Puwede kang mag-withdraw ng pera sa account mo sa iyong Personal na Espasyo.
- I-click ang "Finances" sa menu na nasa itaas ng page.
- Piliin ang "Withdrawal".
- Pumili ng angkop na payment system at i-click ito.
- I-specify ang trading account kung saan mo gustong mag-withdraw.
- I-specify ang impormasyon tungkol sa iyong e-wallet o payment system account.
Para sa withdrawal sa pamamagitan ng card, i-click ang “+” sign para i-upload ang likod at harap ng kopya ng card mo. - I-type ang halaga ng perang gusto mong i-withdraw.
- I-click ang button na “I-confirm ang withdrawal”.
Pakitandaan na depende sa pinili mong payment system ang withdrawal commission.
Ang oras ng pagproseso ng withdrawal ay nakadepende rin sa payment system.
Mamo-monitor mo ang status ng iyong mga financial request sa History ng Transaksyon.
Nais din naming ipaalala na alinsunod sa Kasunduan sa Customer:
5.2.8. Kung ang isang account ay funded via debit o credit card, required ang card copy para ma-process ang withdrawal. Makikita dapat sa kopyang ito ang unang 6 digits at huling 4 digits ng card number, pangalan ng cardholder, expiry date, at pirma ng cardholder.
Dapat mong takpan ang CVV code sa likod ng card; hindi namin ito kailangan.
Sa likod ng card mo, kailangan lang naming makita ang iyong signature na nagko-confirm sa validity ng card.