Puwede kang magdeposito ng pera sa account mo sa iyong Personal Area.
- I-click ang "Finances" sa menu na nasa itaas ng page:
- Piliin ang "Pagdeposito."
- Pumili ng angkop na payment system at i-click ito.
- Tukuyin ang trading account kung saan mo gustong magdeposito.
- Tukuyin ang impormasyon tungkol sa iyong e-wallet o payment system account kung kailangan.
- I-type ang halaga ng perang gusto mong ideposito.
- Piliin ang currency.
- I-click ang button na “Magdeposito.”
Sa ganitong paraan din ginagawa ang mga pag-withdraw at internal transfer.
Masusubaybayan mo ang status ng iyong mga request sa pinansyal sa History ng Transaksyon.
Mahalagang impormasyon! Pakitandaan na alinsunod sa Kasunduan sa Customer: puwedeng mag-withdraw ang kliyente ng fund mula sa kanyang account papunta lang sa mga payment system na ginamit sa pagdeposito. Sa mga rehiyon kung saan available ang Mga Lokal na Bangko, ang mga natitira (kabilang ang mga profit, bonus fund, award, komisyon ng partner, atbp.) ay dapat i-withdraw sa Mga Lokal na Bangko. Kung hindi available ang Mga Lokal na Bangko sa Personal na Espasyo, puwedeng i-withdraw ang mga profit sa pamamagitan ng anumang e-wallet.