Pakitandaan na opsyonal ang proseso ng pag-verify ng phone, kaya puwede ka rin namang manatili na lang sa pagkumpirma ng email at laktawan ang pag-verify ng phone number mo.
Pero kung gusto mo namang i-attach ang number sa iyong Personal Area, mag-log in sa Personal Area mo at i-click ang button na "Kumpirmahin ang phone" sa widget na "Progress ng pag-verify."
Illagay ang bago mong phone number at i-click ulit ang button na "Ipadala ang SMS code".
Pagkatapos, makakatanggap ka ng SMS code na kailangan mong ilagay sa ibinigay na field.
Sakaling nagkakaproblema ka sa pag-verify ng phone, una sa lahat, pakitingnan muna kung tama ang inilagay mong phone number.
Narito ang ilang tip na dapat tandaan:
- hindi mo kailangang ilagay ang "0" sa umpisa ng phone number mo;
- hindi mo kailangang manual na ilagay ang country code. Awtomatiko itong ise-set ng system kapag napili mo na ang tamang bansa sa drop-down menu (ipinapakita kasama ng mga flag sa harap ng field ng phone number);
- kailangan mong maghintay nang hindi bababa sa 5 minuto bago dumating ang code.
Kung sigurado kang nagawa mo nang tama ang lahat pero hindi mo pa rin natatanggap ang SMS code, iminumungkahi namin ang paggamit ng ibang phone number. Puwedeng nasa panig ng provider mo ang isyu. Sa ganitong sitwasyon, maglagay ng ibang phone number sa field at i-request ang confirmation code.
Puwede mo ring i-request ang code sa pamamagitan ng voice confirmation.
Para gawin iyon, kailangan mong maghintay nang limang minuto mula sa pag-request ng code at saka i-click ang button na ""Mag-request ng callback para makuha ang voice call na may verification code."" Ganito ang hitsura ng page:
Pakitandaan na puwede ka lang mag-request ng voice code kung na-verify na ang profile mo.