Kailangan ang pag-verify para sa kaligtasan sa trabaho, pag-iwas sa hindi awtorisadong pag-access sa personal na data at fund na naka-store sa FBS account mo, at maayos na pag-withdraw.
Narito ang limang hakbang para sa pag-verify ng Personal Area mo:
- I-click ang avatar mo sa itaas ng page at piliin ang "Mga setting ng profile.":
- Sa seksyon na "Pag-verify," i-click ang "Pag-verify ng ID" o sundan ang link na ito;
- Punan ang mga kinakailangang field. Pakilagay ang tamang data na eksaktong tugma sa mga opisyal mong dokumento;
- I-upload ang may kulay na kopya ng iyong passport o ID na inisyu ng gobyerno na may larawan mo at katunayan ng address sa 'jpeg,' 'png,' 'bmp,' o 'pdf' naformat at may kabuuang laki na hindi lalampas sa 5 Mb:
- I-click ang button na “Ipadala ang request.” Tutugunan ito sa ilang sandali lang pagkatapos ng pag-request.
Pakitandaan na puwede mong tingnan ang status ng iyong request sa pag-verify sa page na Pag-verify sa mga setting ng profile mo. Sa sandaling tinanggap o tinanggihan ang request mo, magbabago ang status nito.
Pakihintay ang e-mail notification sa e-mail inbox mo kapag tapos na ang pag-verify. Pinapahalagahan namin ang iyong pasensya at pag-unawa.