Kapag nag-open ka ng trading account, makakakuha ka ng dalawang password: trading at investor (read-only).
Puwede mong ibigay ang investor password sa iba pang trader para sa pag-observe lang; io-off ang option sa pag-place ng mga order.
Sakaling nakalimutan mo ang iyong investor password, puwede mo itong baguhin sa MetaTrader4 platform.
Narito ang apat na simpleng step:
- Kapag naka-log in ka na iyong MetaTrader4 platform, pakihanap ang menu ng "Tools" at i-click ang "Options" doon.
- Sa window na "Options", paki-click ang tab na "Server" para lumabas ang mga detalye ng account mo, pagkatapos, i-click ang "Change".
- Kapag nag-pop up na ang window ng "Change Password", kailangan mong i-enter sa ibinigay na field ang iyong kasalukuyang trading password, pagkatapos ay piliin ang option na "Change investor (read only) password" at i-enter ang iyong bago at gustong investor password.
- Huwag kalimutang i-click ang "OK" para ma-save ang mga pagbabago!