Gusto mo bang magsimulang mag-trade sa Forex? Una sa lahat, inirerekomenda namin sa iyo na tingnan mo muna ang link na ito. Makakakita ka roon ng ilang mahahalagang tip.
Narito ang tatlong step para makapagsimula ka:
- Mag-open ng real trading account.
- Mag-deposit ng funds sa iyong account (para sa mga Real account lang) sa pamamagitan ng pagpili ng anumang paraan na available para sa iyong bansa.
- I-download ang MetaTrader4 o MetaTrader5 trading platform mula sa aming website at i-install ito sa device mo.
Handa ka na ngayong simulan ang iyong unang trade. Hindi mo pa alam kung paano ito gawin? Tingnan ang simpleng tips dito:
Paano mag-open/mag-close ng order (position)?
May ilang paraan sa pag-open ng trading order:
- Piliin ang “Tools” → “New order” sa program menu.
- I-double-click ang pangalan ng trading instrument sa window ng “Market Watch”.
- I-click ang button na “New Order” sa toolbar.
- I-press ang F9 key sa keyboard.
Kapag nag-o-open ng position, kinakailangang punan ang mga sumusunod na field:
- Symbol – piliin ang instrument para sa pag-trade.
- Volume – i-set ang volume ng order (bilang ng mga lot).
- Stop Loss – i-set ang Stop Loss level (hindi obligatoryo). Kung 0.000 ito, iko-consider na hindi na-place ang order.
- Take Profit – hindi rin obligatoryong parameter ang pag-set ng Take Profit level. Kung 0.000 ito, iko-consider na hindi na-place ang order.
Mahalaga! Kung ang level ng Stop Loss at Take Profit ay na-set nang masyadong malapit sa kasalukuyang presyo, makikita mo ang error message na “Incorrect S/L or T/P”. Kakailanganin mong i-move ang mga level nang mas malayo sa kasalukuyang presyo at ulitin ang request.
Pending order.
Para mag-open ng pending order, paki-press ang F9 key sa iyong keyboard at piliin ang “Pending order” sa “Type” menu.
Pag-close ng position
Para mag-close ng position, paki-right-click ang order sa “Trade” area sa ibaba ng chart at piliin ang “Close order” sa menu. Ang isa pang paraan sa pag-close ng order ay ang pag-double-click dito sa “Trade” area.
Ang order na may naka-set na level ng Take Profit at/o Stop Loss ay automatic na magko-close kapag naabot ng presyo ang piniling Take Profit o Stop Loss. Iko-close sa Bid price ang Long position, at iko-close naman sa Ask price ang Short position.
Para malaman ang higit pa tungkol sa MetaTrader platform, puwede mong i-contact ang website ng mga developer ng MetaTrader.
Bukod dito, kung gumagamit ka ng PC version ng terminal, makakakita ka ng detalyadong description ng software functional sa pamamagitan ng pag-press sa "F1" key sa keyboard.
Mga Tutorial
Makakahanap ka ng ilang kapaki-pakinabang na tutorial video sa aming website.
Inirerekomenda rin namin sa iyo na basahin ang aming Forex Guidebook.
Pakitandaan na sa kasamaang-palad, walang anumang pagkakataon kung saan may karapatan ang aming customer support team na konsultahin ang mga customer namin tungkol sa pag-trade at mga isyu sa diskarte sa pag-trade. Kung sakaling interesado kang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa praktikal na kaalaman, puwede mo muna itong hanapin sa Internet. Ikalawa, bibigyan ka namin ng oportunidad na mag-open ng Demo account para makita kung paano gagana sa Real account ang aming mga kundisyon sa pag-trade sakaling gusto mong mag-open ng ganito sa hinaharap. Salamat sa iyong pag-unawa!