May karapatan ang kliyenteng nakarehistro sa ilalim ng isang Partner na palitan ang kanyang Introducing Broker para sa bawat trading account. Isang beses lang puwedeng magpalit ng Partner ang kliyente para sa bawat trading account. Para sa matagumpay na pag-attach ulit, dapat matugunan ang mga sumusunod na kundisyon:
- ang kliyente ay walang naunang trading order sa account kung saan niya gusto ma-attach ulit;
- kung may mga naunang trading order ang kliyente sa account kung saan niya gustong ma-attach ulit, puwede itong gawin sa loob ng isang linggo pagkatapos ng paggawa ng trading account;
- nabuksan ng Introducing Broker (IB) ang kanyang Partner account bago nabuksan ng kliyente ang partikular na trading account.
Mahalaga! Pakitandaan na sa pag-attach ulit sa Partner, awtomatikong ikakansela ang 100% Deposit Bonus para sa na-attach ulit na account.
Para i-detach ang iyong account sa isang IB, magpadala ng request sa email ng aming customer support na support@fbs.com kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
- Buong pangalan mo;
- Account number na gusto mong i-detach;
- Dahilan kung bakit gusto mong ma-detach;
- Kumpirmahin na sumasang-ayon ka sa pagkansela ng 100% bonus (kung mayroon ka man);
- Kopya ng dokumentong ginamit mo para sa pag-verify ng pagkakakilanlan.
Para i-refer ang account mo sa isang bagong Partner, sundin ang mga simpleng hakbang na ito:
- Buksan ang Personal Area;
- Sa Dashboard, i-click ang trading account kung saan gusto mong ma-reattach:
Web:
App: - Hanapin ang field na "Pag-attach ng Partner" sa mga setting, at i-click ang button na "I-attach" para mailagay ang ID ng bagong IB:
Web:
App:
iOS:
Android:
Sa pop-up window, kailangan mong ilagay ang ID number ng Partner at pindutin ulit ang button na "I-attach."
Kung natugunan ang lahat ng kundisyon, maa-attach ulit kaagad ang account sa ibang IB.