Puwedeng i-attach ng kliyente ang kanyang account sa isang Partner anumang oras sa mga setting ng trading account. Available ang opsyon sa dalawang bersyon ng Personal Area: web at application. Para sa matagumpay na pag-attach, dapat matugunan ang mga sumusunod na kundisyon:
- ang kliyente ay walang naunang trading order sa account kung saan niya gustong ma-attach;
- kung may mga naunang trading order ang kliyente sa account kung saan niya gustong ma-attach, puwede itong gawin sa loob ng isang linggo pagkatapos ng paggawa ng trading account;
- narehistro ng Introducing Broker (IB) ang kanyang Partner account bago narehistro ng kliyente ang partikular na trading account.
Para maisagawa ito, kailangan mong sundin ang mga simpleng hakbang na ito:
- Buksan ang Personal Area;
- Sa Dashboard, i-click ang trading account na gusto mong i-attach
Web:
App: - Hanapin ang field na "Pag-attach sa Partner" sa mga setting at i-click ang "I-attach":
Web:
App:
iOS:
Android:
Sa pop-up window, kailangan mong ilagay ang ID number ng Partner at pindutin ulit ang button na "I-attach."
Kung natugunan ang lahat ng kundisyon, mali-link kaagad ang account sa Partner.
Mahalaga! Pakitandaan na sa pag-attach sa isang Partner, awtomatikong kakanselahin ang Cashback service para sa naka-link na account. Bilang karagdagan, pakitandaan na puwedeng i-attach sa ibang Partner ang bawat real trading account. Puwede mong tingnan kung sa aling IB naka-link ang trading account sa tab na "Pag-attach sa Partner" na available sa page na "Mga Setting ng Account."