Pakitandaan na gumagamit ang FBS ng mga serbisyo ng isang mediator company para mag-transfer ng funds mula sa mga credit at debit card ng mga kliyente patungo sa kumpanya.
Nangangahulugan ito na nag-o-operate ang system bilang isang third party sa proseso, at nakalaan sa kanila ang karapatang i-decline ang ilan sa mga transaksyon ng aming mga kliyente sa mga indibidwal na sitwasyon.
Narito ang listahan ng mga pinakamadalas na dahilan kung bakit maaaring ma-decline ang mga deposit sa mga debit/credit card:
- Hindi nakalagay sa card ang pangalan ng kliyente.
- Naisyu ang card sa isang bansa habang sinusubukang mag-deposit ng kliyente mula sa ibang bansa. Puwede lang gamitin ang card sa bansa kung saan ito naisyu.
- Hindi pagmamay-ari ng kliyente ang card (hindi cardholder ang kliyente).
- Magkaiba ang pangalan sa card at ang pangalan ng kliyente sa FBS account (kung hindi inilagay ng kliyente ang kanyang buong pangalan sa profile, maaaring mangyari ang error na ito).
- Naka-detect ang payment system ng ilang mapanlinlang na aktibidad.
- Ang mga pagbabayad na may mga kard na walang 3D na ligtas na pag-verify ay awtomatikong tinanggihan. Maaari mong paganahin ang isang pagpipilian na ligtas sa 3D kung makipag-ugnay ka sa iyong bangko o sa kumpanya ng kard.
Mukhang ang sitwasyon mo ay isa sa mga pangyayari kung saan dini-decline ng payment system ang pagbabayad dahil sa mga internal reason ng mga ito. Sa kasamaang-palad, hindi ibinibigay sa amin ng mga payment system ang eksaktong dahilan kung bakit ito nangyayari, pero mukhang hindi puwedeng tanggapin ang iyong credit card para sa mga pag-deposit sa FBS account mo.
Humihingi kami ng paumanhin para sa abala at inirerekomenda naming gumamit ka ng ibang credit/debit card o ibang payment system para mag-deposit.
Puwede kang pumili sa anumang system na available sa Finances.
Salamat sa iyong pang-unawa!
Pakitandaan din na kapag magde-deposit ka sa pamamagitan ng credit/debit card, magkatugma dapat ang pangalan ng cardholder (gaya ng nakasulat sa card) at ang pangalan ng may-ari ng trading account. Hindi kami tumatanggap ng third party payment, ibig sabihin nito, sa kasamaang-palad, hindi ka puwedeng mag-deposit gamit ang card na pagmamay-ari ng ibang tao.
Paalala: puwede mong i-check ang status ng iyong transaksyon sa Finances (History ng Transaksyon).