May mga tanong? Mayroon kaming mga sagot!

Mga kategorya

FAQ

  • Nakalimutan ko ang aking password sa pag-trade (FBS – Personal Area app)

    Para i-recover ang password ng trading account mo, paki-click ang iyong trading account sa table ng Dashboard.

    Sa binuksang page ng mga setting ng account, makikita mo ang button na "Mag-generate ng bagong MetaTrader password" sa section na "Mga setting ng MetaTrader."

    mceclip3.png

    Sa pag-click mo sa button, makakakita ka ng pop-up window. I-click ang "OK" button kung sigurado kang gusto mong mag-generate ng bagong password sa pag-trade para sa account na ito.

    Makikita mo ang page na may bagong impormasyon ng trading account.

  • Paano ko mave-verify ang aking phone number?

    Pakitandaan na opsyonal ang proseso ng pag-verify ng phone, kaya puwede ka rin namang manatili na lang sa pagkumpirma ng email at laktawan ang pag-verify ng phone number mo.

    Pero kung gusto mo namang i-attach ang number sa iyong Personal Area, mag-log in sa Personal Area mo at i-click ang button na "Kumpirmahin ang phone" sa widget na "Progress ng pag-verify."

    mceclip0.png

    Illagay ang bago mong phone number at i-click ulit ang button na "Ipadala ang SMS code".

    mceclip1.png

    Pagkatapos, makakatanggap ka ng SMS code na kailangan mong ilagay sa ibinigay na field.

    mceclip2.png

    Sakaling nagkakaproblema ka sa pag-verify ng phone, una sa lahat, pakitingnan muna kung tama ang inilagay mong phone number.

    Narito ang ilang tip na dapat tandaan:

    • hindi mo kailangang ilagay ang "0" sa umpisa ng phone number mo;
    • hindi mo kailangang manual na ilagay ang country code. Awtomatiko itong ise-set ng system kapag napili mo na ang tamang bansa sa drop-down menu (ipinapakita kasama ng mga flag sa harap ng field ng phone number);
    • kailangan mong maghintay nang hindi bababa sa 5 minuto bago dumating ang code.

    Kung sigurado kang nagawa mo nang tama ang lahat pero hindi mo pa rin natatanggap ang SMS code, iminumungkahi namin ang paggamit ng ibang phone number. Puwedeng nasa panig ng provider mo ang isyu. Sa ganitong sitwasyon, maglagay ng ibang phone number sa field at i-request ang confirmation code.

    Puwede mo ring i-request ang code sa pamamagitan ng voice confirmation.
    Para gawin iyon, kailangan mong maghintay nang limang minuto mula sa pag-request ng code at saka i-click ang button na ""Mag-request ng callback para makuha ang voice call na may verification code."" Ganito ang hitsura ng page:

    mceclip0.png

    Pakitandaan na puwede ka lang mag-request ng voice code kung na-verify na ang profile mo.

  • Paano ako makakapagdeposito?

    Puwede kang magdeposito ng pera sa account mo sa iyong Personal Area.

    1. I-click ang "Finances" sa menu na nasa itaas ng page:
    2. Piliin ang "Pagdeposito."
    3. Pumili ng angkop na payment system at i-click ito.
    4. Tukuyin ang trading account kung saan mo gustong magdeposito.
    5. Tukuyin ang impormasyon tungkol sa iyong e-wallet o payment system account kung kailangan.
    6. I-type ang halaga ng perang gusto mong ideposito.
    7. Piliin ang currency.
    8. I-click ang button na “Magdeposito.”

    Sa ganitong paraan din ginagawa ang mga pag-withdraw at internal transfer.

    Masusubaybayan mo ang status ng iyong mga request sa pinansyal sa History ng Transaksyon.

    Mahalagang impormasyon! Pakitandaan na alinsunod sa Kasunduan sa Customer: puwedeng mag-withdraw ang kliyente ng fund mula sa kanyang account papunta lang sa mga payment system na ginamit sa pagdeposito. Sa mga rehiyon kung saan available ang Mga Lokal na Bangko, ang mga natitira (kabilang ang mga profit, bonus fund, award, komisyon ng partner, atbp.) ay dapat i-withdraw sa Mga Lokal na Bangko. Kung hindi available ang Mga Lokal na Bangko sa Personal na Espasyo, puwedeng i-withdraw ang mga profit sa pamamagitan ng anumang e-wallet.

  • "Ano ang minimum na halaga ng deposito sa FBS Personal Area (web)? "

    Pakitandaan ang mga sumusunod na rekomendasyon sa pagdeposito para sa Real account - 100 USD.

    Sa pangkalahatan, $5 ang minimum na deposito. Gayunpaman, pakisaalang-alang na puwedeng magkaiba ang minimum na deposito para sa iba't ibang sistema ng pagbabayad. Halimbawa:

    • Neteller: 10 USD;
    • Skrill: 12 USD;
    • Perfect Money: 5 USD.;
    • Ethereum: 0.01 ETH;
    • Tether: 10 USDT;
    • Litecoin: 0.2 LTC;
    • Bitcoin Cash: 0.05 BCH;
    • Bitcoin: 36 USD ang inirerekomendang minimum na deposito. Gusto naming ipaalala sa iyo na manual na pinoproseso ang mga deposito para sa mas maliliit na halaga, at maaari itong abutin nang mas magtagal.

    Pakigamit ang link na ito para malaman kung magkano ang kailangan para magbukas ng order sa account mo. Maaari mo ring tingnan ang instruction dito para matutunan kung paano gamitin ang calculator ng Trader.

  • Paano ako makakapag-withdraw?

    Mahalagang impormasyon! Pakitandaan na alinsunod sa Kasunduan sa Customer: puwedeng mag-withdraw ang kliyente ng fund mula sa kanyang account papunta sa mga payment system lang na ginamit sa pagdeposito.
    Kung saan nagdeposito ang Kliyente gamit ang ilang paraan ng pagbabayad, ang mga withdrawal ay isinasagawa ayon sa LIFO (last in first out) system. Nangangahulugan ito na kung ang isang kliyente ay nagdeposito sa kanilang account gamit ang Paraan ng Pagbabayad 1, at pagkatapos nito ay gumagamit ng Paraan ng Pagbabayad 2 para sa isang deposito, para mag-withdraw, ang buong kabuuan ng deposito na ginawa sa pamamagitan ng Paraan ng Pagbabayad 2 ay dapat na ma-withdraw muna (lahat sa minsan o sa mga bahagi) sa pamamagitan ng Payment Method 2, at pagkatapos lamang nito, ang withdrawal ay maaaring gawin sa Payment Method 1.

    Puwede kang mag-withdrawng pera sa account mo sa iyong Personal Area.

    1. I-click ang "Finances" sa menu na nasa itaas ng page:

    2. Piliin ang "Pag-withdraw."
    3. Pumili ng angkop na payment system at i-click ito.
    4. Tukuyin ang trading account kung saan mo gustong mag-withdraw.
    5. Tukuyin ang impormasyon tungkol sa iyong e-wallet o payment system account.
      Para sa pag-withdraw sa pamamagitan ng card, i-click ang “+” sign para i-upload ang likod at harap na kopya ng card mo.
    6. I-type ang halaga ng perang gusto mong i-withdraw.
    7. I-click ang button na “Kumpirmahin ang pag-withdraw.”

    Pakitandaan na depende sa pinili mong payment system ang komisyon sa pag-withdraw.

    Ang oras ng pagproseso ng pag-withdraway nakadepende rin sa payment system.

    Masusubaybayan mo ang status ng iyong mga financial request sa History ng Transaksyon.

    Pakitandaan na ayon sa Kasunduan sa Customer:
    5.2.8. Kung ang account ay nalagyan ng fund sa pamamagitan ng debit o credit card, kinakailangan ang kopya ng card para maproseso ang withdrawal. Dapat naglalaman ang kopya ng unang 6 na digit at ng huling 4 na digit ng card number, pangalan ng cardholder, at petsa ng pag-expire.

    Dapat mong takpan ang CVV code sa likod ng card; hindi namin ito kailangan.

  • Nalimutan ko ang aking trading password

     

    Para i-recover ang password ng trading account mo, mag-log in sa iyong Personal Areaat piliin ang iyong trading account sa table ng Dashboard.

    Mag-scroll pababa para hanapin ang "Password" line at i-click ang "Mag-generate ng bago":

    Sa pag-click mo sa button, makakakita ka ng pop-up ng babalang window. I-click ang button na "Kumpirmahin" kung sigurado kang gusto mong mag-generate ng bagong trading password para sa account na ito.

    Makakakita ka ng bagong password katabi ng Password line.

  • Gaano katagal bago ko ma-withdraw ang aking fund?

    Pakitandaan na kadalasang inuunang iproseso ng Financial Department ng kumpanya ang mga request sa pag-withdraw ng mga kliyente na una nitong natanggap.

    Sa sandaling aprubahan ng aming Financial Department ang request mo sa pag-withdraw, ipapadala namin ang fund pero pagkatapos nito, ang system ng pagbabayad na ang bahalang magpatuloy sa pagproseso nito.

    • Dapat na make-credit kaagad ang mga pag-withdraw sa mga elektronikong system ng pagbabayad (tulad ng Skrill, Perfect Money, atbp.), pero, minsan, puwede itong magtagal nang 30 minuto.
    • Kung nag-withdraw ka papunta sa iyong card, pakitandaan na karaniwang tumatagal nang 3-4 business days bago ma-credit ang fund.
    • Para naman sa bank transfer, kadalasang pinoproseso ang mga pag-withdraw sa loob ng 7-10 business days.
    • Ang mga pag-withdraw sa bitcoin wallet ay puwedeng tumagal mula sa ilang minuto hanggang sa isang araw dahil sama-samang pinoproseso ang lahat ng transaksyon sa bitcoin sa buong mundo. Kung mas maraming tao ang sabay-sabay na magre-request ng mga pag-transfer, mas magtatagal ang pag-transfer.

    Pakitandaan na hindi lahat ng awtomatikong pagbabayad ay pinoproseso ayon sa business hours ng Financial Department.

    Nagtatrabaho nang 24/7 ang Financial Department ng FBS.

    Pakitandaan na masusubaybayan mo ang status ng iyong mga financial request sa History ng Transaksyon.

  • Paano mag-log in sa aking trading account?

    Paano i-set up ang koneksyon kung nakikita mo ang error na "NO CONNECTION" sa MetaTrader:

    1. I-click ang "File" (kaliwang sulok sa itaas ng MetaTrader).
    2. Piliin ang "Login to Trade Account."
    3. Ilagay ang account number sa seksyon na "Login."
    4. Maglagay ng trading password (para makapag-trade) o investor password (para lang sa pagsubaybay sa aktibidad; io-off ang opsyon sa mga pag-order) sa seksyon na "Password."
    5. Piliin ang tamang server name mula sa listahang iminumungkahi sa seksyon na "Server."


      Pakitandaan na ibinigay sa'yo ang number ng Server nang magbukas ka ng account. Kung hindi mo natandaan ang number ng iyong Server, puwede mo itong tingnan habang nire-recover ang trading password mo
      Puwede mo ring i-insert ang Server address nang manual sa halip na piliin ito.
Tumingin ng higit pang artikulo

Global na karanasan sa pag-trade

Pagpapatupad ng order mula sa 0.1 segundo Trade sa FBS

Gusto kaming i-contact?

Paki-contact kami, sasagutin namin ang iyong mga katanungan at idaragdag ang artikulong ni-request mo

  • Mga native na speaker
  • 24/7 na suporta sa customer
Magsumite ng hiling